Lunes, Marso 6, 2017

Terorismo

                                                               Terorismo 

Ano ba ang terorismo?

             *Ito ay isang surilaning pandaigdigan. Masasabing ang lahat ng mga bansa ay hindi ligtas at ang mga tao ay talagang hindi ligtas sa karahasang maaring dulot ng mga terorista. Nitong mga huling dekada, ang terorismo ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na isyung pandaigdig. Simula 1970s at 1980s, naging bahagi na ng pambansa at pandaigdigng mga polisya ang pagsugpo o pakikipagbaka laban sa terorismo. Ito rin ang tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng karahasan o ang pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang mag karoon ng pagbabagong politikal na isinaad ni Hoffman (1998).

Mga Anyo ng Terorismo.
 

           *Ethnic Terrorism - Ayon kay Byman (2002) ito ay naiibaa sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o kaunlarang pang ekonomiya

           *Terorismong pang ideolohiya - Ayon kay Manalo (2004) ito ay batay sa mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan

           *Religious Fanaticism - Ayon kay Ranstop (2000) ito ay isa sa mga pinaka matinding motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng maraming kultong Muslim, Hudyo, at Hapon.

Ang EStruktura ng mga Pangkat Terorista.
   
 Ang pinuno ng karaniwang organisasyon ay kadalasang nasa tuktok nito

Liderato
    Kaiba sa posisyon ng mga pinuno ng ibang mga grupo, ang mga pinuni ng mga terorista
ay nasa gitna

Mga Kasapi
    Isa sa mga pinka mahalagang gawain ng mga pangkat terorista ay ang pagganyak sa mga bagong kasapi na kalingan upang palakasin ang kanilang oraganisasyon at upang mapalitan ang mga miyembrong nadadakip, napapatay, o lumilisan.

Ang Sentro ng Grupong Terorista
   
Gumagamit ang mga pangkat terorista ng tinatawag na  command and control network. Dito sila nag paplano at nag oorganisa para sa isinasagawang pag aatake. Ang isang haimbawa ng kampong pinangalanang Abdurajak ng Abu Sayyaf.

Pondo
   May mga nag sasabing hindi lubusang matitigil hangga`t may pag kukunan ng pondo ang mga teroristang grupo.

Terorismo sa Pilipinas
  Sa nakaraang apat na dekada, nakaranas ang ating bansa ng iba`t ibang anyo ng terorismo.

New People`s Army (NPA)
  Ang NPA ay ang sangay militar ng Communist Party of the Philippines (CPP), naitatag ito noong 1969, layunin nito na pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas.

Moro National Liberation Front (MNLF)
   Mula 1971 hanggang 1996, ang MNLF ay nakipaglaban sa ating pamahalaan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Nur Misuari, hinangad ng MNLF na mabawi ang lahat ng mga lalawigan at bayan sa Mindanao kung saan ang nakahihigit na nakatira ay mga Muslim.

Ang Grupo ng Abu Sayyaf 
  Ang Abu Sayyaf Group (ASG) Ay itinatag noong 1989 sa pamumuno ni Abdujarak lanjalani, anak ng isang mangingisda sa Mindanao, nilayon nila na magtatag  ng isang eksklusibo at malayang Isloamic Theocratic State of Mindanao.

 Taong 2012 
Pebrero 1 - Binihag ng ASG ang mga birdwatcher  na sina Lorenzo Vinciguera, isang Swiss, at Ewold Hoen, isang Dutch, Habang nag sasagawa ng pag aaral sa tawi tawi
Disyembre 6 - Taong 2014, nang lusubin ng hukbo ng Joint Task Force Sulo  ang kuta ng mga ASG bandang 5:20 ng umaga.

Taong 2013
Mayo 27 -
Hindi bababa sa pitong militante at pitong marino ang pinatay nang subukan ng mga pwersa ng pamahalaan na ililigtas ang anim na hostage  ng nasabing grupo.
Nobyembre 15 - Sinalakay ng mga armadong miyembro ng Abu Sayyaf ang Malaysian resort sa Pom Pom, Semporna.
Disyembre 31 - Isang bomba ang sumabog malapit sa isang pribadong tirahan sa Zone 6 ng tumahubong Village, Munisipalidad ng Sumisip, lalawigan ng Basilan sa Pilipinas.


           
     

1 komento:

  1. Blue Titanium Art in Covington - Titanium Art
    Blue Titanium welding titanium Art in Covington · damascus titanium Artwork – blue how much is titanium worth titanium cerakote · micro hair trimmer Artwork – blue titanium cerakote is titanium expensive · Artwork – blue titanium cerakote.

    TumugonBurahin